Huwebes, Hulyo 9, 2009

Ayaw Mo Na Ba Talaga Sa Pilipinas?

Ang sanaysay na ito ay sinulat ko para sa Araw ng Kalayaan noong nakaraang buwan pero dahil sa trabaho, medyo nakaligtaan ko. Eto po ang isa kong sanaysay tungkol sa issue ng pagkamakabayan.

Sa mga gustong iwan ang buhay sa Pinas at makipagsapalaran sa ibang bansa, hala sige kung para sa ikauunlad ng pamumuhay ninyo at ng inyong pamilya. Sa mga nasa ibang bansa na tulad ko, konting tiis. Mahirap talaga ang buhay. Sa mga gustong magpalit ng citizenship, buhay at pasaporte nyo yan—pero please lang, pakiusap na wag nyo naman isumpa ang bayang pinanggalingan nyo.

Ang hirap kasi sa iba, magpapalit rin lang ng citizenship o nangangarap pa lang, ang dami nang kapintasang binabato sa Pilipinas. Kesyo daw bulok ang daan, bulok ang gobyerno, bulok ang sistema, yada yada yada. Magpapalit rin lang ng gobyernong pagbabayaran ng buwis, may kasama pang maanghang na salita.
Nung binabasa ko yung isang libro ni Bob Ong na “Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?”, meron dun isang sipi ng sanaysay na sinulat ng isang Herdy Yumul. Nung tanungin nya, "Who Wants to Be a Filipino?" ang ilang mga college students, nasabi nyang plastik daw yung mga sumagot sa survey na gusto pa rin nilang maging Pinoy kung ipapanganak ulit. Ang totoo, ayokong maniwala sa mga survey-survey na yan. Pati ako, pinagtitripan ko lang yan nung college ako eh kaya di dapat sineseryoso ang ganyan.

Ngayon, gusto ko naman baligtarin ang tanong at itatagalog ko pa: AYAW MO NA BA TALAGANG MAGING PILIPINO? OO O HINDI?

Kung kilala ko si Herdy, gusto ko syang tanungin nun. Alam kong sasabihin nya na gusto nyang maging Europeano. Pwedeng Pranses (gaya ng sinabi nya sa sanaysay nya) o Briton o Italyano. Basta taga-Europa. Eh matanong ko nga ikaw Herdy, nung nakapag-abroad ka, gaano katagal?
Ang payo ko sa kanya, wag syang magtanong nyan sa mga estudyante. Walang alam ang mga yun tungkol sa buhay sa abroad. Ang tanungin mo ang mga katulad naming OFW. Ang milyun-milyong taong nasa ibang bansa't nagtatrabaho, naninilbihan at nagpapaalila sa mga banyaga. Di pa kita masasagot ng deretsahang sagot pero bibigyan kita ng silip sa buhay sa abroad.

Ang sabi ni Herdy, maswerte ang tiyo nya na nakapag-migrate sa Amerika at ngayo'y citizen na. Ang totoo, ang mga kano eh mas baon pa sa utang kesa mga pobreng may listahan ng utang sa tindahan na sa sobrang haba at sobrang laki ng utang eh pati bumbay na nagpapa-5-6 eh hindi sila pauutangin. Di pwedeng walang credit card sa Amerika, dahil mas importante pa yun kesa sa bank account na puno ng pera. Nakakatawang isipin na ang daming gustong mag-migrate sa Amerika sa pag-aakalang porke may nakatapal na dolyar sa noo eh ibig sabihin, MAYAMAN AKO DAH-LING! AY AM RITS! Bakit kaya ang mga naging American citizen na mga Pinoy eh bumabalik pa ng Pinas kung rich na nga sila? Bakit di nila subukang magbakasyon sa Europa? Ang totoo, sa Pilipinas lang sila mayaman dahil sa halaga ng dolyar pag pinalit sa piso. Pero sa Amerika, marami ang kailangang rumaket sa dalawang hanggang tatlong trabaho para lang hindi tumirik ang mata sa gutom at may maipambayad sa mga kautangan. Nagiging luho na lang sa Amerika ang makatulog ng anim hanggang walong oras dahil sa ginagawang umaga ang gabi para lang kumayod at magkapera. Kaya sa mga matapobreng Fil-Ams dyan, hoy tama na ang kayabangan. Buko na po kayo.

Dito sa UK, maraming Pinoy rin ang nangangarap makapunta at makapagtrabaho. Di ko maikakaila yun dahil yun ako bago ako nakarating dito. Syempre, kung dolyar ng Kano, pag nasa Pinas eh makakapag-shopping ka sa Rustans. Pag British Pounds, tiyangge na lang sa yo ang mamili sa Power Plant sa Rockwell—yan ang paniniwala ng mga hindi pa nakakapunta.

Ewan ko ba kung yung may mga kamag-anak o kakilala na narito sa UK naninirahan at nagtatrabaho eh alam kung paano ang sistema dito sa Britanya. Ang bawat nagtatrabaho dito, citizen man o migrant worker (tulad ko) eh binabawasan ng national insurance tax. Automatic yun. Napupunta yun sa healthcare system dito (la ka babayaran pag nagpatingin o na-confine ka sa NHS o government hospital pero maghihintay ka nga lang ng mga isa o dalawang buwan bago ka matingnan pag magpapa-check up ka), sa pension at sa ilan pang common na benefits sa trabaho. Akala ng mga nasa Pinas eh buhay reyna o hari na ang mga nagtatrabaho dito sa UK. Eh eto ata ang bansang tadtad ng tax eh! Maliban sa income at insurance tax, VAT sa bawat binibili o kinakain, may council tax na binabayaran sa civic center (tawag sa municipal hall dito) sa town o siyudad na tinitirhan mo. Hindi lang yan! Gusto mong magkaroon ng TV? Kailangang bumili ka ng TV licence (spelling ng license sa Brit English) na babayaran mo buwan-buwan, quarterly o weekly. May kotse ka? May road tax at kailangang may MOT licence na babayaran din para masiguradong pwede syang ibyahe sa daan. Maitim ang buga sa tambutso, low emission tax. Pag nag-drive ka sa sentro ng London, congestion tax. Tax! Tax! Tax!

Hindi ako nagtataka nung sinulat ni George Harrison ang kantang Taxman tungkol sa palakad ng bayang kanyang pinanggalingan. Mabuti sana kung bawasan ka ng mga ganitong tax kung para sa ikakaayos ng paligid o ikagaganda ng serbisyo pero sa bawat kinakaltas sa sweldo, hindi lang sa mga government officials at government employees ang pinapasweldo mo, pati yung mga DSS. Ang mga DSS eh mga Briton na walang trabaho at nabubuhay sa suporta ng gobyerno ng Britanya. Okay lang sana kung yung mga DSS eh talagang hikahos sa buhay o mga may kapansanan o mga matatanda na pero kasama rin sa mga DSS ang mga Briton na ayaw magtrabaho, mga kriminal at paasa na lang sa benefit na nakukuha. Kasama rin ang mga dalagang ina na sinusuportahan kaya maraming kababaihan dito eh dalagita pa lang eh nagpapabuntis na para lang hindi magtrabaho at umasa na lang suporta ng gobyerno. Milagro na lang na wala pang naghuhuramentadong OFW dito. Dahil kung iisipin, imbis mapunta sa pamilya sa Pilipinas ang mga nakakalulang kaltas, sa mga tamad at iresponsableng tao rin napupunta ang pinagpaguran mo, eh baka mamaril ka na lang ng DSS dito. Ngayon, gusto mo pa bang maging citizen dito?

At matanong ko nga ang mga gustong magpapalit ng citizenship, pati rin si Herdy: ANO NGA BA ANG NAGAWA MO SA BANSANG PINAS AT SAGAD ANG PAGKABANAS MO SA BANSA NATIN?
Hindi ka ba sumusunod sa batas trapiko at nagje-jaywalk ka?
Kung may kotse ka, nangka-cut ka ba sa daan at kaskasero ka ba?
Wala ka bang paggalang sa magulang mo?
Wala ka bang paggalang sa mga kapatid mo?
Mas inuubos mo ba ang sweldo mo sa paggimik-gimik at sa luho imbes na magbigay sa magulang o sa asawa?
Nagda-drugs ka ba at pusher ka rin ba nito?
Mahilig ka bang mang-tsismis? Ikaw ba ang pasimula ng tsismis sa lugar nyo?
Tamad ka ba sa trabaho at magpipilit lang pumasok pag araw na double pay?
Sipsip ka ba sa boss?
Mahilig ka bang manggulang ng kapwa?
Mahilig ka bang mangutang pero nagdi-disappear pag oras na ng bayaran?
Mahilig ka ba sa mga “monkey business”?
Pinagbibili mo ba ang boto mo?
Kung maimpluwensya kang tao o galing ka sa maimpluwensyang pamilya, ginagamitan mo ba ng “kuneksyon” para lang matupad ang gusto mo?

Kung ang sagot mo eh “oo”, “sure”, “yes”, “minsan”, “eh...”, “dati” at “secret lang natin 'to...”, akin na yang Philippine passport mo at isasampal ko sa mukha mo ng kaliwa't kanan. Nyeta ka pala eh! Pupunta ka pa ng ibang bansa para lang magkalat ng lagim, isasama mo pang madudungisan ang pangalan ng bansa natin! Ang totoo, hindi ang mga pulitiko, hindi si Erap, hindi si GMA, hindi si FG, hindi rin si Angel Locsin o sinong artista at kahit ang sinsabing bulok na sistema ng bansa ang nagiging dahilan kaya mababa ang tingin ng mga taga-ibang bansa sa atin kundi TAYO. Ang ordinaryong tao na nakakasalamuha ng mga banyaga. Bawat isa sa mga katulad naming nasa ibang bansa ang nagsisilbing flag-bearer ng bansa natin. Kung walang kwenta ang bansa natin katulad ng ikinapuputok ng butsi ng iba sa atin, bakit nagtitiwala pa rin ang mga banyaga sa trabahador na Pinoy? Dahil ba yun kay GMA? Hindi, kundi dahil sa iilang kababayan, mga ordinaryong Pinoy, na nakitaan nila ng kasipagan at kasinupan sa trabaho.
Sa mga nag-iisip na magmigrate sa ibang bansa, ang payo ko eh kung lalabas kayo ng bansa, wag kayong mag-tour. Syempre, magaganda ang ipapakita sa inyo. Kumbaga, nakikipag-date ka lang. Syempre, goody two shoes. Lahat maganda at perpekto. Ginagawa ang lahat para mahulog ang loob mo. At sa oras na naging kayo na, nag-iiba na madalas ang istorya. Saka sa pagtu-tour, ilang buwan ka lang naman eh. Pasyal. Kain. Tulog. Walang kulturang bulok sa totoo lang. Hindi ka rin pipilitin na mahalin ang sariling kultura o kahit ng ibang bansa. Ang subukan mo eh kung mamahalin mo rin ang sistema gaya ng pagkagusto mo sa kultura nila.
Subukan mong maghanap ng trabaho. Yung klaseng magtatrabaho ka at titira ka ng matagal at lulusong ka sa sistema nila, sa klima, sa polusyon ng hangin, sa polusyon ng tubig, sa ugali ng mga taga-roon. Yung klaseng makikita mo ang kapangitan at kapintasan ng bansa. At sa oras na makita mo na, saka ka magdesisyon kung tuluyan mo nang itatapon ang berdeng pasaporte mo at magpapalit ng iba. O sige, one more time: AYAW MO NA BA TALAGANG MAGING PINOY?

Miyerkules, Enero 14, 2009

Bollywood Merienda



Ang video na nakalagay sa taas eh galing sa Indian film na Dhoom 2. Eto na ata ang isang impluwensya ng mga ka-team ko na indiano--ang simula ng aking pagkakaadik sa Bollywood films. Sa mga hindi nakaka-alam at mga shonga-shonga sa world affairs, ang Bollywood eh tawag sa popular movie making industry ng India na galing sa Mumbai (kaya tinawag na Bollywood eh pinagsamang Bombay--old name ng Mumbai--at Hollywood). Inaamin ko na nagsimula ito nang matuwa ako sa video ni Prabhu Deva aka Benny Lava na inintroduce sa kin ng kanyang look-alike na kuya ko. Nung sumakay ako sa Gulf Air pauwi ng Pilipinas, dahil boring sa kin ang mga pelikulang Hollywood na naka-lagay nun, napagdiskitahan namin ng kasama kong si Ate Raquel ang isang Bollywood film na Kismat Konnection starring ang isang look-alike ni Papalicious Piolo Pascual (ayon kay Ate Raquel na ayaw umaming maka-Piolo). Rom-com ang tema ng Kismat Konnection at hindi nalalayo sa mga romcom films sa PInas. Pero kumbaga, may kakaibang "kick" ang galing sa bansang 5-6. Yun bang di sila nahihiya na i-feature ang kanilang kultura at kaugalian. Nung pabalik naman ako ng London, sa Gulf Air ulit ako (round ticket kasi ako eh) eh Bollywood na naman ang pinag-tripan ko at this time eh action-comedy-romance ang tema na pinamagatang Singh is Kinng. Oo, yan ang title nyang pelikula at di ako na-typo error. Nalaman ko, sa pag-research ko sa Google di kalaunan, na sadyang nilagyan ng extrang "n" ang King ayon sa payo ng numerologist. Sa India, ayon kay Kalpesh, eh malakas ang paniniwala nila sa astrologist, palmist at maging numerologist (kaya nga maswerte sa kanila ang negosyong 5-6 lalo dito sa Pinas) na kaakibat ng kanilang relihiyon. Mula sa pagpapangalan sa anak, hanggang sa araw daw ng libing eh may tradisyon na sinusunod. Interesting! Fascinating!

Ngayong sinusulat ko itong blog eh pinapanood ko naman ang isang action-drama Bollywood film na Dhoom 2. Ang masasabi ko lang eh HANEP. Of course, may matching exaggeration sa story at execution ng fight scenes pero makikita mong pinag-isipan talaga ang bawat laban at hindi lang "suntok-sipa-tadyak" formula. Pati rin ang cinematography at pangkalahatang postproduction eh pinagbuhusan ng panahon. May konting flair at FLAWLESS kumbaga.

Ang isa ko lang napapansing common sa Bollywood na pelikula eh SAYAW! Yep, may song and dance numbers ang Kismat Konnection, Singh is Kinng at maging sa Dhoom 2! Ang video na nasa itaas eh dance number ng kontrabida ng Dhoom na pang-billboard sa kagwapuhan eh baka i-handover lang sa kanya ng walang tanggi-tanggi ng mga babae at bading ang lahat ng kayamanan sa Pinas. Mala-Usher pa na dance step ha! Tapos, yung bida rin may dance number! Imagine mo yung mukha ni King Leonidas ng 300 with matching balbas PERO SUMASAYAW PARE! Nalurki akech! Hindi lang simpleng uga-uga ng katawan kasi parehas nya ng dance step ang back-up dancers! Lufeeet!! Sa totoo lang, iniisip ko kung maghi-hit sa Pinas ang mga ganitong klaseng pelikula. Sana naman maipalabas ang ganitong mga pelikula sa Pinas. Para naman hindi lang sa Hollywood tayo nakakakita ng alternative at makitaan ng ibang source of parody--este, inspiration pala. Dun naman siguro tayo sa halos kaparehas natin ng family values. Meanwhile, eto ang isang malupet na music video galing sa Singh is Kinng with a special appearance of Snoop Dogg pa:

Linggo, Enero 11, 2009

Ako at si La Greta

Sa mag-aanim na buwan kong pamamalagi rito sa UK, isa sa mga payo ng ex-OFW kong kapatid ang malinaw na malinaw pa rin sa utak ko: Wag masyadong magtitiwala sa pinoy.
Hindi ko naman nilalahat kasi may mga kababayan naman tayo dito na hulog ng langit sa kabaitan.  Ang mga dapat iwasan lang ay yung mga sinuka ng impyerno.  Yung mga tipong di dipat pinalagpas sa immigration at kung magpillit man eh dapat barilin.  At yung mga tipong dahilan kaya mababa ang tingin ng mga banyaga sa mga OFW.
Sa kasamaang palad, nakilala ko ang isang walang kwentang OFW.  Si La Greta. Nakilala ko na si La Greta sa Pilipinas pa lang bago pa man ako dumating dito sa UK kaya di ko aakalain na sa likod ng kanyang 'harmless' fez eh ang kanyang bulok na ugali.
Iisa kami ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni La Greta bagamat sa magka-ibang lugar kami naka-assign.  Ako, nakabase malapit sa London samantalang sya eh nasa bandang hilaga pa, mga isang oras mula sa lugar ko.
Nung nagkaroon ng chance na mag-relieve ako sa grupo nya, tuwa naman din ako kasi dito sa team ko, ako lang ang nag-iisang flag bearer ng lahing pinoy. Iniisip ko pa nun, may chance ako na may makasamang pinoy sa isang team kaya di ako maho-homesick.
 


Paksyet.


Paksyet talaga.


Unang gabi ko pa lang eh tinext na ako ni La Greta at sinabing puntahan ko sya sa isang Chinese resto sa town center kasi birthday niya at libre daw nya ako ng dinner.  Ako naman, go agad kasi syempre, may word na 'libre' kaya makakatipid ako ng pera ko.  (typical pinoy talaga ano?)  At eto pa ang pahabol na text nya, may ipapakita raw sya sa kin.  Aba, ano itu? IMBESTIGADOR O CORRESPONDENTS?
So kahit umuulan, nangangatog sa lamig at gumastos ako ng pambayad sa taxi, gora ang lola sa chinese resto at nakipag-meet kay La Greta.  Pagka-upo na pagka-upo ko pa lang eh umentra na si La Greta: "Mary Jo wag ka magagalit o mabibigla." sabay labas ng cellphone nya at pinakita sa kin ang picture ni Brian katabi yung isang Amerikanang trainer.  Sa isang resto daw yun kinunan at magkatabi si Brian at si Kana.  Si Brian, sa mga di nakakaalam at di umuusyoso sa buhay ko ay aking ka-team na Briton na super bait, super tyaga sa work at SUPER GWAFU!  Na kahit magkaroon man kami ng 90 pasyente sa isang araw, makita ko lang sya eh kakayanin ko pa kahit buong Inglatera pa ang sumugod.
Si Brian ang sya ring aking most beloved asawa at future father ng aking magiging anak--di lang nya alam kasi pag nalaman nya, split na kami.

Ang picture na pinakita sa kin ni La Great ay kinunan nya nung nag-relieve sya sa isang bagong tayong team at nagkataon nung time na ding yun, pinadala din dun si Brian ng 3 linggo (syet! iyun na ata ang pinakamasalimuot na linggong naranasan ko) kaya nagkasama sila sa trabaho.  Bago pa man sina La Greta at Brian, nauna na akong nagduty dun sa team na yun kaya nakita ko rin si Kana.  In fairness, maganda ang lola na naturally blonde although, may asawa na sya.  
"Alam mo ba Mary Jo, pinoprotektahan ko si Blandina mula kay Brian kasi nagiging super close na ata sila eh," ayon kay La Greta, "mabait naman si Brian at okay sa trabaho pero syempre, alam kong malakas ang tama mo sa kanya kaya parang nasasaktan ako pag nakikita kong kinakausap nya si Blandina.  Teka, ubusin mo yang kinain mo.  Ayaw mo na?"
Sa totoo lang, kahit gutom na gutom na ako kanina eh parang biglang nawalan ako ng gana.  Pakiramdam ko eh tinusok ng tinidor at sinaksak ng kutsilyo ang puso ko.  Syet!  Its hurts!

Sa isang linggo kong pananatili doon eh marami pang chikang pinakawalan si La Greta at hindi lang tungkol kay Papa Brian kundi sa mga ka-team nya ("Ito si ano, mabait naman at binigyan nga ako ng washing machine.  Pero dyusko, napaka-intrimitidang matanda.  Gustung-gustong maging team manager.) at maging sa mga kapwa naming pinoy na taga-ibang team.  Na kesyo daw yung isa, porke laking ibang bansa eh binabahay ang bawat nagiging BF at yung isa na supposed to be super close sa kanya eh super gastadora daw at hindi lang pamilya ang sinusustentuhan kundi pati rin ang boyfriend.  O di ba? Kabog ang pinagsamang powers nina Cristy Fermin, Lolit Solis at Boy Abunda?  Siguro kahit sina Ogie Diaz, Sweet Lapuz at Tigbak authority eh mapapanis sa kanyang showbiz reports.

Ang totoo, kung iisipin eh napaka-inappropriate itong ugali ni La Greta dahil sya rin ang humihila sa kin na umattend ng mga Charismatic services na kinabibilangan karamihang ng Pinoy community sa lugar na yon.  Oo, umaattend kami ng mga "Praise the Lord" chuvaness pero ngayon, duda akong ang habol lang nya talaga eh libreng pakain sa bahay ng Pilipinong pastor.

Saka, hindi babae at hindi rin bading si La Greta.



All together now: HUWAAAAAAAT??!!!!



Oo, mas get ko pa kung ganun sya kung kabaro ko sya o bakla.  PERO, NO! NO! NO!  Lalaki at may may pamilyang tao si La Greta.  Oo, may asawang babae at mga junakis ang loko pero matindi ang hilig sa chismis.  Parang balete na matindi ang kapit ng ugat sa lupa.
Nung bumalik na ako sa team ko, di ko malaman kung anong klaseng pakikisamang gagawin ko kay Brian.  Aawayin ko ba? Teka, mga apat na linggo rin kaming di nagkita tapos away agad?  Iiyakan ko ba? Eww, haller!
Habang iniisip ko yun nung nagse-set up kami ng mga gamit, biglang lumapit ang Papa B at niyakap ako ng mahigpit.  Miss na raw nya ako.  Simple smile ang lola nyo sabay ubod hinhing sabi na 'I miss you too, guys' pero deep inside, SYEEEEEEEETT!! Tumatambling ang puso ko sa tuwa.  Kulang na lang eh mag-renta ako ng drum and lyre corp at Boyoyong Clowns.  Aba, kahit siguro totoo man yung sinabi ni La Greta na naglalandian si Brian at si Blandina duon sa ibang team, bakit ako pa ata ang na-miss ng ever beloved Papa B?

(Enter Roberta Flack singing: "The Closer I Get to You")

Katagalan, napag-isip-isip ko rin ang mga bagay.  Ang totoo, may utang na loob ako kay Brian sa maraming bagay.  Sya ang dahilan kaya ko nalaman ang tungkol sa Noodle Bar, yung Chinese resto sa Harlow kaya nagkaroon ako ng tsansang matugunan ang pagkadeliryo sa kanin nung time na hindi pa ako makapag-luto.  At magpasahanggang ngayon eh sya pa rin ang nagsasama sa kin doon sa Noodle Bar.  Si Brian rin ang tumulong sa kin na humanap ng flat at naging guarantor ko (yung may kontrata sa landlord na sya ang magbabayad kung sakaling tatakbuhan ko yung bayad sa upa) at syang dahilan kaya narito na ako ngayon sa sarili kong tirahan.  At ngayong may kotse sya, sya rin ang nagha-hatid sundo sa kin sa trabaho.
Kung tutuusin, mas matimbang ang ginawa ni Brian para sa kin kesa sa mga sinabi ni La Greta.  Di ba mas lalabas akong walang utang na loob kung paniniwalaan ko yung mga sinabi tungkol sa kanya?

Isang beses, nag-duty ulit ako sa ibang team at may nakilala akong Pilipina. Kilala pala ng lola si La Greta kahit noong intern pa sila at nakilala rin pala nya si Brian kasi nag-duty rin pala sya dun sa bagong team nung nandun pa si Papa B.  Nang magkapalagayan kami ng loob at naikwento ko sa kanya ang mga sinabi ni La Greta tungkol kay Brian, natawa ako sa sinabi ni Pinay: "Ay naku, hindi totoo yan ha? Si Blandina kaya at si La Greta ang madalas magkasama.  Insek lang yang si La Greta sa kawafuhan nyan ni Brian kasi sya, panget.  Saka, alam na nga ni La Greta na may asawa si Blandina, pinupormahan nya.  Feeling nya eh in love na rin sa kanya si Blandina eh pinakikisamahan lang naman sya."  Naalala ko kasi ang isang sinabi ni La Greta sa kin nung nandun ako sa team nya: "Ingat ka dyan kay Brian kasi aanakan ka lang nyan.  Pag nabuntis ka, sipa ka sa trabaho."  Ngayong naaalala ko yun, sana pala sinagot ko sya ng: "Eh care mo kung maanakan nya ako aber? At least mestiso o mestisa ang magiging anak ko at pwedeng gawing artista.  Kung ikaw rin lang ang magiging tatay, baka murahin pa ako ng anak ko dahil pang-perya lang ang itsura nya ano! Saka, walang kumpanyang maninipa ng tao dahil buntis. Gusto nila ng demanda?!"
Di ko na masyadong naalala ang lahat ng mga sinabi ng kapwa ko Pinay sa kin. Mahalaga na lang sa kin ang di maniwala sa mga sinabi ni La Greta.  Ang importante ay mas binigyan ko ng halaga ang taong nagbibigay halaga sa kapakanan ko.  Kahit pa ibang lahi ako.  Kahit pa estranghera.


Oy, tingin pa sa ibaba.


Sa mga nag-iisip, bakit ba La Greta ang codename ko sa kanya?
Kung Gretel ang binigay kong codename, may idea na agad ang iba ng totoong pangalan nya.

Lunes, Disyembre 22, 2008

Kumpisal Day

Sa totoo lang, kahit matagal na akong nagsusulat (nagsimula sa diary hanggang subukan ko ang blog), hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan at sasabihin. Ang totoo nyan eh matagal nang nagsu-swimming sa likido ng aking utak ang ideyang ito kung sasabihin ko ito o hindi. Pero dahil alam ko nang nauubos na ang pasensya nyo sa kababasa nito at alam kong gusto nyo na akong sigawan ng “ANO BA?! PAPATAYIN MO BA KAMI SA USPENS?! SABIHIN MO NA KASI BRUHAA!!”

Okey, eto na po.

Mga kaibigan, kabatak at usisero, eto na ang rebelasyon ko.


Bakla ako.


Oo, bakla ako. Sa tagal-tagal ko nang pinipilit pigilan ang sarili ko, ngayon eh handa na akong tanggapin ang tunay na ako. Bilang isang bakla.

ISANG BABAENG BAKLA.

Isang kafatid ni Roderick Paulate na sinuwerte diumanong mapunta sa katawan ng isang Eba di tulad ng iba na na-trap sa katawan ng mga kauri ni Adan. Isang aminadong mas nanaisin pang kumain ng bubog, tumulay sa apoy at makinig ng kanta ng isang artistang pilit na pinakakanta kahit halatang sintunado kesa ang makipagrelasyon sa babae. Ganun katindi ang pagkagusto ko sa lalaki. Ganun ako kabakla sa lalaki. Baklang-bakla talaga.
Ang obvious na advantage ko sa mga kapwa ko bading na napunta sa katawang lalaki eh pinanganak akong sa lahing de matres at genuine na dibdib kahit di kasing-laki ng kay Keanna Reeves. Kaya, kung may makilala man ako eh may pag-asa akong maiharap sa dambana na naka-trahe de boda at may basbas pa ng kasal. Na may kapasidad akong magbigay ng anak na syang isa sa mga kagustuhan ng mga lalaki. Ang magpapatuloy ng salinglahi.
Maswerte raw ang isang katulad kong babaeng bakla kasi di ako pupupugin ng pasa kung sakaling makita ako ng aking mudra, ate at iba pang kamag-anak na nakasuot ng palda o bestida. Baka magpamisa pa sila sa Roma at kung pwede lang eh simutin ang buong ladies section ng SM Department store sa sobrang kagalakan.
Bilang isang babaeng bakla, okey lang daw kung nasa bahay lang ako at nasa harap ng sewing machine o kaya nagbuburda o naggagantsilyo at hindi oobligahin na lumabas at tumulong sa karpentero, latero at mason pag inaayos ang aming bahay. Baka himatayin pa ata ang nanay ko pag nakita akong humawak ng pala at asarol.
Siguro nga ang babaeng bakla eh mapalad (maswerte in other words at di tulad ng iniisip ng mga berdeng utak!) kasi hindi sila mahihiyang ipakilala kung sinuman ang manligaw sa kanya. Walang masyadong violent reaction di tulad ng sa mga kafatid na kapwa lalaki ang pinapatos.

Maswerte nga ang isang babaeng baklang katulad ko.

DAW.

Eching lang yun. Drowing kumbaga. Dahil tulad ng isang bading, meron din akong kamalasan sa buhay.

Kung ang mga lalaking bading eh na-trap sa katawang bigay kay Adan, ako naman eh na-trap sa machong tradisyon na nagtalaga kung ano ang dapat gampanan ng isang babae sa lipunan. Kung ano ang dapat ikilos. Kung ano ang dapat sabihin sa madla.
Kung lalaking bading lang ako, baka naipagsigawan sa mundo ang pagmamahal ko sa isang lalaki. With matching microphone. O kaya, iparada ko sya sa buong kalye ng Kamaynilaan man o sa Inglatera with TV, Radio at YouTube coverage pa. Kahit lumabas na katawa-tawa. Kahit batuhin ng krus, bawang at kahit kampana ng lahat ng simbahan. Ang importante'y alam ng mahal ko kung gaano ko sya kamahal.
Isang bagay na di dapat gawin ng isang babae. Dahil ang babae eh inaasahang mandedma at wag magpakita ng motibo. Na dapat eh kami ang maghintay na suyuin at pagpakitaan ng pagkagusto. At ang sinumang babaeng sumalungat sa batas na yun eh nababansagang mababang uri. Puta kumbaga.
At tulad ng lalaking bading, ako rin ay nasaktan ng pag-ibig pero paulit-ulit pa ring iibig kahit may posibilidad na lokohin muli dahil alam namin, balang araw, meron din kaming makikilalang tanggap ang kagandahan at kahit kabulukan ng aming pagkatao.
Na mamahalin ako hindi dahil sa may matres ako.
Kundi mamahalin ako bilang ako.


Yun na.